Ngooorrkkkk……
Ganda sanang rest day. Kaya lang na-impyerno na naman ako. Sakitin talaga ako. Useless lang yata sa akin mga Multivitamins at Vitamin C na sponsor ni Ermat. Di para sa akin mga gamot na yon dahil hindi naman ako tao. Ang tanging tumatalab na lang sa akin ay ang mga Kisspirin at Yakapsul mo* na matagal ko ng hinahanap mula pa sa kapanahunan ni Mao Tse Tung Text Jokes Volume One. Di ko tuloy na enjoy ang Holy Week kahit bawal kumain ng karne. Lalo na’t masama ang pakiramdam mo nun. May gana ka pa bang kumain? Yung nahihilo ka, nahihirapan kang gumalaw, nilalagnat pa, umaapaw pa yung tubig sa lalamunan mo tapos napipilitan ka pa sa ulam ng kinakain mo. WHEW! OMG! Pero wala e, parang Fear Factor lang ginawa ko. Yung pipikit ko pa mga mata ko, tapos may timer kada lunok. Pag nalunok papakita ko pa sa kanila kung nalunok ko na talaga lahat. Ganon!
SABADO DE GLORIA
Isa rin akong adik sa Online Game. Matyaga kasi ako sa mga bagay bagay. Lalo na yung nilalaro mo sarili mo. Oo, sarili mo… sarili mong character. RF online ang kinagigiliwan ko nung Mahal na Araw kasama ang mga strict kong parent. Habang ang Mamam* ko ay nasa bakasyunan. Atlas! Malaya ako! Pero hindi pala. Niraraid pa rin ako sa bahay. Hindi pa rin ako makapag-concentrate sa paglalaro. Kaya pag nakikita mo character ko sa mapa mo iba na ang nilalaro ng character ko. Itinigil ko muna. Di pa rin ako gumagaling…
AFTER EASTER
Dito sa Opis (DOTPH) kala ko Invincible na ko. Hindi pala, isa lang palang palabas ni Bearwin Meily! Sablay! Simple lang naman ilabas ang plema thru mouth. Pero sa akin iba. HARDCORE. Parang nasa peryahan, Circus, Ripley’s Believe it or Not. Maniwala man kayo o sa hindi. Kailangan ko pang mag-suka ng kinainan ko bago sumama si Plema.
Sa totoo lang. May hangover pa rin ako sa Holy Week. Plema.